223 ecstasy nabawi sa Indian student

MANILA, Philippines - Aabot sa P330,000 halaga ng ecstasy ang nabawi mula sa isang Indian national na estudyante sa Maynila, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Martes.

Nakilala ang suspek na si Prabhjot Gill, 18, na residente ng 1509 East Tower, One Archers Place, Taft Avenue, Malate, Manila.

Nasakote si Gill kahapon bandang alas-dos ng hapon sa kanyang tinitirahan.

Nasamsam ng PDEA ang 223 tableta ng ecstasy, iba't ibang vials at P1,000 buy-bust money.

Inihahanda na ang kaso laban sa dayuhan.

Show comments