Modelo patay nang mahulog mula ika-28 palapag ng condo

MANILA, Philippines – Patay ang isang 28-anyos na babae matapos mahulog sa ika-28 palapag ng isang condominium sa Pasig City ngayong Huwebes.

Nakilala ang biktimang si Helena Belmonte, modelo at unit owner sa 28th floor ng Renaissance Tower sa Ortigas.

Bumagsak ang katawan ni Belmonte sa veranda ng condominium sa ika-pitong palapag bandang 1:30 ng madaling araw.

Napaulat na lasing ang modelo nang mangyari ang insidente.

Kasama ni Belmonte ang kanyang nobyo at isang kaibigan sa loob ng condominium unit, ayon sa mga pulis.

Ayon sa nobyo ng biktima ay iniwan nila si Belmonte mag-isa sa kanyang kuwarto at laking gulat nila na wala ang modelo nang sila’y bumalik.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis at hindi tinitignan ang anggulong may foul play sa insidente.

Show comments