Namamalimos sa kalye, Badjao utas sa bus

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang batang babae  na nagpapalimos sa kalsada nang masagasaan ng isang pampasaherong bus, sa tapat ng Luneta Park, sa panulukan ng  T.M. Kalaw at Taft Avenue, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Hindi pa kilala ang batang inilarawan ni SPO1 Jun Reyes, imbestigador ng Manila Traffic Bureau,  na nasa edad 10-13, nakatapak, nakasuot ng kulay orange na t-shirt at gray na short pants, may hikaw at kuwintas , na hawak pa ang sobre na kulay puti at may nakasulat na “penge pong pambili ng pagkain.”

Pinipigil naman sa MTB ang nakasagasa na si Daniel­ Manalo, 44, ng Calma, Laguna, driver ng Green Star bus (TYV-203).

Dakong alas-4:43  ng hapon nang maganap ang insidente matapos na umanong palipat-lipat ng mga dyip ang bata at nang bumaba ay posibleng hindi nakita ng driver kaya nasagasaan.

Dahil sa pagkapisak ng ulo ay nagkalat pa ang utak sa kalye. Wala pa umanong lumulutang na kaanak ang biktima na nakalagak ang bangkay sa Jade Funeral.

Ipaghaharap ng reklamong reckless imprudence resulting in  homicide ang nasabing driver ng bus.

 

Show comments