Sa mismong araw ng mga puso nagmahal ng syota ng iba, itinumba

MANILA, Philippines - Dahil sa selos, isang binata ang binaril at napatay ng boyfriend ng kanyang nililigawan kahapon sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril­  ang biktimang si Kevin de Tatad, 20,  ng Phase 7-C, Bagong Silang ng  naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Mansawe Imam.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-6:50 ng umaga malapit sa  gate ng Victoria Wave Special Economic Zone,  Malaria Road, Tala sa naturang lungsod habang  nakatayo ang biktima  sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una.

Matapos ang insidente ay sumakay sa naghihintay na tricycle ang suspek at mabilis itong tumakas  dinala naman ang biktima sa naturang ospital, ngunit hindi na umabot ng buhay.

Lumalabas sa imbestigasyon na masugid na nililigawan ng biktima si Michelle Ignas na nobya na ni Imam.

Show comments