51-anyos nagbigti

MANILA, Philippines - Patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Ma­labon ang biktimang si Remio Peralta, ng PS-A2, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni SP01 Noli Dait, ng Navotas City Police, alas-8:05 ng gabi nang makita ng kanyang anak na lalaki ang biktima na nakabigti   sa loob ng kuwarto nito.

Agad na kinalas sa pagkakabigti ang biktima at dali-daling dinala sa nasabing pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang naturang biktima.

 

Show comments