Kumpare dinedo sa binyagan

MANILA, Philippines - Utas ang isang 21- anyos na helper nang saksakin ng kaniyang kumpare habang nag-iinuman sa mismong araw ng binyagan sa Tondo,Maynila, kamakalawa ng hapon.

Idneklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Me­dical Center (GABMMC) ang biktimang si Dominic Eguie, binata, residente ng JV Paz Compound, Rawis st., Tondo.

Suspect sa pananaksak ang isang Julito Gamana, kum­pare ng biktima, at kapatid nitong si Ramon Gamana, kapwa residente ng Clariben Compound, Tondo, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO1 Jonathan Moreno ng MPD-Homicide Section, ang biktima at suspect ay kinuhang kumpare sa binyagan ng anak ng isang  Wilfredo Martinez.

Dahil sa walang patid na inuman, nalasing hanggang sa mag­karoon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at magkapatid na suspect dakong alas-5:45 ng hapon.

Sinulsulan pa umano ni Ramon si Julito na saksakin ang biktima na narinig ng mga kainuman sa pagsasabing “Tirahin mo na Jul”.

Tumayo umano sa kinauupuan si Julito at niyakap ang biktima upang undayan ng saksak.

Pinigilan pa ni Martinez na makaalis si Julito subalit nagpumiglas hanggang sa mahubaran ng t-shirt at makatakas ka­sama si Ramon.

 

Show comments