Paslit patay sa dump truck

MANILA, Philippines - Maagang nasawi ang isang 3-anyos na batang lalaki makaraang maatrasan ng isang 6-wheeler na truck sa Mandaluyong City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktimang paslit na si Denver Medina, naninirahan sa Sto. Rosario Street, Brgy. Plainview, ng naturang lungsod.

Kusang-loob naman sumuko ang suspect na si Arnel Roxas­, 33, driver ng dump truck (RKC-118) at nakatira sa Blk. 32, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Mandaluyong Police, naganap ang insidente dakong alas-11 ng tanghali sa Sto. Rosario St. Nabatid na naglalaro sa naturang lugar ang batang si Medina kasama ang isa pang bata malapit sa nakaparadang trak.

Imamaniobra naman ng suspect na si Roxas ang trak nang hindi mapansin ang bata sa likuran at tuluyang maatrasan.

Nahaharap ngayon ang suspect na si Roxas sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments