21-anyos dalaga itinumba

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa Bagong Taon laban sa  21-anyos na babae  matapos itong barilin ng riding-in-tandem assasins sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Mary Joy Caare ng Phase 7C sa nasabing barangay.

Lumalabas sa  pagsisiyasat ng Caloocan City PNP, naganap ang insidente bandang alas-5 ng umaga  sa bisinidad ng Phase 7 sa nabanggit na barangay.

Nabatid na namamasyal ang biktima habang kaangkas sa motorsiklo ng isang nagngangalang Ruel nang harangin ng tandem.

Nawalan ng kontrol si Ruel sa motorsiklo kaya sumemplang kung saan dito na lumapit ang gunman saka binaril ang biktima.

Nagawang makatakbo ng mga kasama ng biktima kung saan naiwang nakahandusay sa kalsada.

Show comments