PISTON pumalag sa pagsasapribado ng MVIS

MANILA, Philippines - Pinalagan kahapon ng hanay ng pampublikong transportasyon ang pahayag ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya sa binabalak ng pamahalaan na isapribado ang operasyon ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay PISTON (Pagkakaisa ng Tsuper at Ope­reytor Nationwide) National President George San Mateo, hindi ito solusyon upang mabawasan ang mga aksidente ng mga pampasaherong bus sa kalsada.

Sinabi ni Mateo na tiyak tataas umano lalo ang bayarin sa MVIS kapag isina­pribado ito dahil magiging pribadong negosyo na ito.

Binigyang diin nito na hindi umano totoo ang sinabi ni Abaya na hindi kayang imintina ng gobyerno ang LTO MVIS. Ayon kay San Mateo, kayang kaya imintina ng pamahalaan ang MVIS.

Sa katunayan aniya, bukod sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC) at Pagcor, ang LTO ang 4th largest government agency revenue earner ng pamahalaan kahit pa hindi revenue-earning ang oryentasyon ng LTO.

Iginiit pa ni San Mateo na hindi privatization ng MVIS ang solusyon sa pagpapatupad ng matino at corrupt-free na Motor vehicle Inspection.

Idinagdag pa nito na lalo lamang umanong lalala ang korapsyon kapat isinapribado ang MVIS ng LTO.

 

Show comments