Holdaper dedo sa shootout

MANILA, Philippines - Isang holdaper ang nasawi, habang sugatan naman ang kasamahan nito makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang inaaresto sa lungsod Quezon, kahapon ng hapon. Walang nakuhang pagkakakilanlan sa nasawing suspek maliban sa pagsasalarawan ng edad nito sa pagitan ng 25-30 anyos.

Ang isang kasamahan nito na nakilala sa alyas na Kuykuy ay ginagamot ngayon sa UERM hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan. Sa ulat nangyari ang insidente dakong alas- 3 ng hapon sa may compound na matatagpuan sa 27 Kapiligan st., Brgy.  Doña Imelda.

Bago ito, naispatan ang mga suspek na nakaistambay sa may Palansa St., habang nag -aabang umano ng kanilang mabibiktima. Nang sitahin, bigla na lamang umanong nagtatakbo papasok ng squatters area ang mga suspek saka pinaputukan ang mga awtoridad. Napilitan na rin silang paputukan ng mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga ito.

Show comments