Ginang tinodas sa bingguhan

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang  matapos pagbabarilin ito ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek na naka-maskara habang nagbi­bingo ang una sa Navotas City,  kahapon ng ma­daling- araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima na si Maricris Cailao, 35, ng Carnation St., Brgy. North Bay Boulevard North ng  naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang ang biktima ay nag­lalaro ng bingo sa Miguel St., Brgy.  NBBN nang sumulpot ang mga suspek na kapwa naka-maskara at pagbabarilin ito  na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at sa kung sino ang posibleng nagsagawa ng krimen.

Show comments