Landlord inutas ng tenant

MANILA, Philippines - Sa kamatayan nauwi ang paniningil ng isang landlord sa tricycle driver na hindi makabayad ng upa ng bahay na kanya nang pinalalayas, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Fernando Chua Jr., binata, ng Phase 4, Isla Puting Bato, Tondo, Maynila sanhi ng saksak na tinamo sa leeg.

Mabilis na tumakas  ang suspect na kinilalang si Akito Tu­makas, 50, tubong-Leyte at nangungupahan sa isa sa paupahan ng biktima, sa Phase 4, Isla Puting Bato.

Sa ulat ni PO3 Lester Evangelista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa eskinita  malapit sa bahay ng biktima.

Sa naging salaysay ng saksi na si Gunding Lagura, kapit­bahay ng biktima, nakita lamang niya na nag-uusap ang dalawa hanggang sa makitang nagtatalo na nauwi sa pananaksak.

Hinihinalang ikinagalit ng suspect ang pagpapalayas sa kanya ng biktima kung hindi pa umano makakabayad ng upa sa bahay.

Show comments