Lamayan niratrat: 1 utas, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan ma­tapos paulanan ng bala ang isang lamay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nasawi noon din ang biktimang si Cesar Todilla, 44, habang ginagamot naman sa Caloocan Me­dical Center ang mga sugatang sina Cezar  Sanchez, 13; ang  kuya nitong  si August, 18; at Ryan Andrei Bonaobra, 13, nakatira sa nabanggit na lugar.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala sa alyas na Kulet.

Ayon sa report, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa burol ng lola ng biktima at habang nagsusugal ito ay dumating ang suspek at pina­ulanan sila ng bala, dahilan ng agarang kama­tayan ni Todilla at pagkasugat naman ng tatlo.

Nabatid na nahagip lamang ng mga bala ang tatlo dahil ang puntirya talagang barilin ng suspek ay si Todilla.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek.

Show comments