Nanloob ng kompanya, 2 huli

MANILA, Philippines - Dalawa sa anim na mga holdaper ang nahuli ma­tapos nilang pagnakawan ang Berland International Company sa may Felicidad compound sa Brgy. Vitalez ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) Terminal 2, kamakalawa. 

Ayon sa ulat, nagkaroon ng running gun battle ang magkabilang panig habang hinuhuli ng pulisya ang da­lawa sa anim ng holdaper na sina Josh Poligay at Roven Calleja.

Si Calleja, ay tinamaan ng bala sa katawan ma­tapos itong makipagpalitan ng putok sa mga security guard na nagbabantay ng Berland Co.

Pinaghahanap naman ang  apat pa  sa isang follow up operation.

Napag-alaman na nakuha mula sa Berland Company  ang may P96,000 cash at hindi pa mabatid na bilang ng mga foreign currencies pero ito ay na-recover sa dalawang nahuling suspects.

 

Show comments