MANILA, Philippines - Isang walong talampakang sawa ang itinurn-over sa Manila Police District-Station 7 ng mga residente ng Dagupan St., Tondo, Maynila.
Ayon sa desk officer, dakong alas- 5:00 ng umaga kahapon, sa kasagsagan ng ulan ay nakitang gumagala ang sawa sa kalye ng Dagupan, na may habang walong talampakan at ga-hita umano ang taba o sukat ng katawan. Hinuli ito ng mga residente at isinuko sa MPD-Station 7, sa Jose Abad Santos St., na nakasako.
Ayon kay SPO2 Rodolfo Santos ng MPD-Station 7, posibleng nabulabog lamang sa pinagtataguang lungga ang nasabing sawa dahil sa walang humpay na lakas ng pag-ulan.
Nakiusap na umano sila sa Wildlife Bureau na kunin na sa kanila ang nasabing sawa subalit hapon na ay hindi pa dumarating ang kanilang kausap.
“Sana tulungan niyo kami na i-follow-up sa taga-wildlife o kahit sa Manila Zoo na makuha na ito sa amin, wala kami mapaglagyan, nakasako lang lumalabas na nga ang ulo, baka makatakas pa,†ayon sa desk officer ng naÂsabing presinto.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nagÂhahanap sila umano ng malaking drum na pansamantalang paglalagakan ng sawa dahil posibleng magdulot ito ng panganib sa tao kung makakatakas.