Kelot tinodas ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Muli na namang nakalusot sa mga pulis ang riding-in-tandem na bumaril at nakapatay sa isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Pasig City kahapon ng madaling-araw. Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng napaslang na lalaki na inilarawan na may taas na 5’8”, payat, nakasuot ng puting t-shirt at pantalong maong. Isinugod pa ito sa Pasig City General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay dahil sa limang tama ng bala ng kalibre .45.

Agad namang tumakas ang mga suspect lulan ng isang motorsiklo at matagumpay na makapuslit sa mga pulis. Sa inisyal na ulat, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng C. Raymundo Avenue sa Brgy. Maybunga sa naturang lungsod dakong alas-3 ng madaling-araw nang tambangan at pagbabarilin ng angkas ng motorsiklo. Bagama’t blangko pa sa tunay na motibo, nakatuon ang imbestigasyon ng pulisya sa posibilidad na iligal na droga ang ugat ng naturang pamamaslang.

Show comments