Suspect sa pamamaril sa 5 magpipinsan, tukoy na

MANILA, Philippines - Tukoy na ng magkasanib na puwersa ng Pasay City Police at Makati City Police ang mga suspect na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa limang magpipinsan sa tulay sa hangganan ng dalawang lungsod, kamakalawa ng madaling-araw.

Tumanggi naman si Pasay City Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca na tukuyin ang pangalan ng hinahanting nilang suspek upang hindi masunog ang kanilang ikinasang ope­rasyon.

Patuloy pa rin namang kinakalap nila ang impor­­mas­yon­ at may mga kinakausap pa upang matukoy pa ang lahat ng mga suspect na dawit sa pagkamatay ng mga bik­timang sina Chucky Dee Cruz, 22; Francisco Cruz III, 20; kapatid nitong si Andrew Lloyd Cruz, 23; Junior Diala, 23; at  Raymart Saraza y Cruz, 20, tricycle driver, pawang mga naninirahan sa  Magtibay St.,  Pasay City. Nauna nang sinabi ni Llorca na posibleng onsehan sa iligal na droga ang motibo sa naturang pamamaslang.

 

Show comments