Pulis, 1 pa tiklo sa pagdadala ng baril

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang pulis-Maynila na nag-absence without official leave (AWOL)at kasabwat nito sa krimen makaraang makumpiskahan ng dalawang baril na walang lisensya kamakalawa sa panulukan ng M.H. del Pilar at San Andres Street sa Malate, Maynila.

Pormal na kinasuhan ang suspek na sina PO1 Reggie Dominguez y Valbuena ng District Head­quarters Support Unit (DHSU) ng MPD; at Bam-Bam Valbuena, kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Si PO1 Dominguez ay nag-awol noong Mayo 13, 2013.

Base sa rekord ng MPD Theft and Robbery Section, si PO1 Dominguez ay ikinanta ni Joel Panancio na kasabwat sa pagtangay ng P.2 milyong cash na pinalitaw na hinoldap noong Mayo 15, 2013 sa Paco, Maynila.

Walang driver’s license at walang helmet si Bam-Bam nang sitahin ng mga operatiba ng pulisya sa pagmamaneho ng motorsiklo na kaangkas si PO1 Dominguez.

Nasamsam sa dalawa ang cal. 45 pistol, cal. 38 revolver na walang lisensya at PNP identification card at iba pang ID mula sa Solaire Hotel and Resorts.

 

 

Show comments