2 salvage victim sa Maynila, Caloocan

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na pinaniniwalaang kap­wa biktima ng summary execution ang  natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Caloocan.

Bagama’t walang   pagkakakilanlan ang biktima na natagpuang bangkay sa  Legarda St., Sampaloc, Maynila  inilarawan na lamang ito   na nasa edad 27, may taas na   5’3’’,  payat ang katawan, naka-puting sando at itim na pajama, tadtad ng tattoo sa katawan na may nakasulat na pa­ngalang “DANDY Garcia”  sa kanang kamay at Sputnik Gang.   

Ayon kay SPO2 Milbert Balinggan,  alas-5:00 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa Legarda St., harap ng tanggapan ng Pro-Life Philippines Foundation Incorporated malapit sa San Lorenzo Ruiz Chapel.

Nakabaluktot uma­no ang katawan ng biktima,  nakagapos  ng alambre ang kamay at paa habang naka­balot ng itim na garbage bag ang ulo.

Nang matanggal ang garbage bag sa ulo, duguan ang mukha ng biktima at nakalawit na ang dila. Walang ibang sugat ang biktima ma­liban sa mga marka sa leeg at kamay.

Samantala, nababalot naman ng packaging tape at may dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima na tinatayang nasa 45 hanggang 50-anyos, naka­suot ng t-shirt  na  puti at brown na short.

Sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-11:15 ng gabi nang matagpuan  ng basu­rerong si Rene Alemendaz, 28, ang biktima sa Zapote St., Bagong Barrio ng  na­turang  lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Inaalam pa ng pu­lisya ang pagkaka­kilanlan ng biktima at inaalam din ang mga taong responsable sa kamatayan nito.

 

Show comments