MANILA, Philippines - Isa na namang estudÂyante ang naging biktima ng ‘Ipit taxi gang’ na gumagala ngayon sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Dumulog sa Quezon City Police-CriÂminal Investigation and Detection Unit, ang law student ng UP na si Pauline Marie Gairanod, 22, na hinoldap ng driver ng sinakyang taxi kasama ang tatlo pang lalaki.
Ayon sa imbestigasyon, modus operandi ng mga suspect ang magkukunwaÂring namamasada kung saan isa ang magpapanggap na driver habang ang dalawa ay nakatago sa upuan, isa sa harap at isa sa likuran. Ang isa naman sa mga suspect ang naghihintay sa isang kalye saka nila isasakay kapag may nakuha nang biktima.
Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katipunan Avenue, sa lungsod, ganap na alas-7:30 ng gabi.
Sabi ng biktima, sumakay umano siya sa kulay puting taxi at nagpahatid sa UP, pero ilang sandali pa, sa halip na dumiretso ay lumiko umano ang driver sa hindi mabatid na lugar hanggang sa isang kasamahan nito na nakatago sa harap ng sasakyan ang biglang lumitaw, saka naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.
Mula sa harapan ay lumipat ang nakatagong suspect sa tabi ng biktima, saka kinuha ang kanyang gamit, tulad ng laptop na McBook air, isang iphone 5; isang unit ng iPod mini Apple at cash na P1,200.
Matapos ito, isa pang suspect na lalaki na naghihintay sa kalye at nakasuot ng rain coat ang hinintuan ng driver saka pinasakay. Nang pababain na ng mga suspect ang biktima sa may Fairview ay sinabihan pa siya ng mga ito ng “wag ka lilingon kung hindi masasaktan kaâ€.
Dito na nagpasyang magtungo ang biktima sa QCPD-CIDU sa Camp Karingal para magreklamo.