Maagang pagpapauwi sa mga estudyante, inapela ng MMDA

MANILA, Philippines - Umapela ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na maagang magdeklara ng suspension ng pasok at sa mga opisyales ng mga paaralan maging sa mga kompanya na maagang pauwiin ang kanilang mga estudyante at tauhan ka­sunod ng forecast na patuloy na pag-ulan ngayong linggo.

Sinabi ni Tolentino na dapat mapauwi na ang mga mag-aaral at mga empleyado bago mag-alas-5 ng hapon kung kailan inaasahan na pa­patak ang ulan.

Tinukoy nito ang forecast ng PAGASA ng patuloy na pag-ulan lalo na sa hapon dulot ng bagyong Emong na maaaring magtagal hanggang Biyernes ngayong linggo.

Kung maisasagawa umano ang maagang pagpa­pauwi, maililigtas ang mga estudyante sa sakit dulot ng pagkabasa sa ulan at pagi­ging stranded.

Samantala, nakaalerto na umano ang kanilang mga ta­uhan mula nitong Martes lalo na ang mga panggabing shift sa pagmamando sa daloy ng trapiko.

Show comments