MANILA, Philippines - Isang bilanggo ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti dahil sa hindi makayanang sakit na tuberculosis, kamakalawa sa loob sa Pasay City Jail.
Sa report na nakaraÂting kahapon sa Pasay City PoÂlice kinilala ang nasawi na si Maximo Layoso, 53, reÂÂsidente ng Block 7 Lot 11, Santol St., Barrio Santo Niño, Pasay City na nakulong dahil sa kasong droga.
Dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kapwa inmates ang biktima na nakabigti gamit ang isang tali ng sapatos na ipinulupot sa kanyang leeg at ang dulo ay isinabit sa isang pako na nasa ibabaw ng kanyang higaan.
Ayon sa ulat, nabatid na noong Disyembre 2012 nakulong si Layoso matapos maaresto sa pagbebenta umano ng illegal na droga.
Napag-alaman na nagkaroon ng sakit na tuberculosis si Layoso sa loob ng bilangguan kaya’t kinaila ngan siyang dalhin sa infirmary cell na nasa ikatlong palapag ng PCJ kung saan nababantayan ang kalaga yan ng kanyang kalusugan.
Bukod sa marka sa leeg, wala ng iba pang sugat na nakita sa iba pang parte ng katawan ang biktima.
Tumanggi naman ang mga kapatid ni Layoso na isailalim pa sa autopsiya ang bangkay sa paniwalang winakasan talaga ng biktima ang kanyang buhay dahil hirap na hirap na ito sa pagÂhinga sanhi ng tinataglay na sakit.