8 GRO inaresto

MANILA, Philippines - Walong Guest Relation Officer (GRO) ang arestado ng pulisya matapos madis­kubreng walang working permit sa isang club sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya  ang mga GRO na nasa edad 19 hanggang 37.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang puntahan ng mga pulis ang Xian KTV Bar sa MacArthur Highway, Barangay Potrero ng naturang lungsod matapos makatanggap ng reklamo na walang mga papeles ang mga GRO dito.

Inipon ng mga pulis ang mga babae at nang walang maipakitang mga working permit ay dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya.

Show comments