Pekeng multivitamins nakumpiska

MANILA, Philippines - Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port ang  mga pekeng  multivitamins na nagka­kahalaga ng P25 milyon.

Ayon kay Commissioner Ruffy Biazon, galing Korea ang mga pekeng gamot na kinabibilangan ng Multi­vitamins, Ibuprofen, Amoxycillin at iba pa.

Nakalagay sa isang 40 footer container van ang kontrabando at naka-consign sa Mountain Glory Agri Sales Corporation na ayon sa BOC ay walang accreditation sa Foods and Drugs Administration.

Napag-alaman pa na walang lisensiyang mag-operate at mag-import ng gamot ang nasabing kompanya.

Nahaharap ang may-ari nito sa kasong paglabag sa intellectual property rights law at food and drugs administration law.

Show comments