Ex-NBI agent todas sa ambush

MANILA, Philippines - Patay ang isang da­ting miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos itong barilin ng hindi pa kilalang mga suspect kahapon ng umaga sa loob ng isang gym sa Makati City.

Dead-on-the-spot  ang biktimang si John Herra, 44, nakatira sa #503-A Hizon St., Bgy. Bangkal ng nabanggit na siyudad, bunga ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa .45 kalibre ng baril.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga  suspect at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.

Base sa sketchy report ng Makati City Police, na­ganap ang insidente pa­sado alas-9:40 ng umaga sa loob ng Republic Fitness Gym, na matatagpuan sa panulukan ng M. Reyes at Malvar Sts., Bgy.  Bangkal ng naturang siyudad.

Habang nagdyi-gym ang biktima  ay biglang su­mulpot ang mga suspect at walang sabi-sabing binaril si Herra na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid, na si Herra ay dating miyembro ng NBI at nasangkot ito sa ilang kontrobersiya.

Show comments