4 tiklo sa pot session

MANILA, Philippines - Apat na umano’y addict sa iligal na droga ang dinampot ng mga tauhan ng Caloocan City Police makaraang salakayin ang isang drug den at maaktuhan sa pot session, kamaka­lawa ng hapon sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga suspect na sina Ricky Amante­, 38; Ian Concepcion, 34, kap­wa ng Phase 8B Package­ 4, Bagong Silang, Caloocan City; Alejandro Tan, 42, at Rizalde Toriaga, 31,  na mga residente naman ng Tower Ville, San Jose Del Monte, Bulacan.

Nabatid sa ulat na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Caloocan Police-Anti Illegal Drugs Unit na talamak ang gamitan ng shabu sa isang bahay sa Phase 8-B, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Nakatanggap din ng impormasyon ang pulisya sa kasalukuyang nagaganap na pot session sanhi upang salakayin ang naturang lugar­ dakong alas-3 ng hapon at maakutahan ang apat na sumisinghot ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong pag­labag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Show comments