Mister pinosasan, tinodas ng tandem

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 32- anyos na mister matapos itong posasan ay niratrat pa ng riding-in-tandem gunmen ka­hapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Bandang alas-2 ng madaling-araw nang rat­ratin ang biktimang si Rioljed Culala sa kahabaan ng Abriz Ninadas Street sa Barangay Commonwealth.

Ayon sa ulat, isa sa testigo na dumalo sa burol ng kanyang ka­ibigan ang nakakita sa apat na kalalakihan na nakasakay sa dalawang motorsiklo.

Sa pahayag naman ni P/Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Homicide Section, ang biktima ay pintor ng bahay kung saan nakaposas nang ma­ tagpuan at pinaniniwalaang sinalvage.

 

Show comments