^

Kutob

Oktubre 4, 2022

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang makipagtalo sa kasamahan sa trabaho o kasambahay. Ayusin ang schedule para hindi magkabuhol-buhol ang gawain. May mahalagang pagdedesisyunan. Nasa panig ang katuwiran kung hindi magiging pabigla-bigla. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 34 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ngayon maibubuhos ang kakayahan sa gawain. Pag-ingatan ang pera o cellphone habang nasa sasakyan o daan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 33 at nile green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Laging planuhin ang gagawin. Iwasan ang maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay patingnan sa doktor. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 30, at coral red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapanghamon ng pagtitimpi. Magtatagumpay ka sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at electric blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang transaksyon ay magtatagumpay kung gagawin sa umaga. I-ngatan na hindi makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 30, at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Unawain at pag-isipan ng mabuti ang mga detalye bago lumagda sa kasulatan o sumang-ayon. Huwag basta magtiwala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at emerald green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ipagpaliban ang balak na paglalakbay dahil hindi magtatagumpay. Iwasang matali sa pa-ngako dahil ‘di kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa takbo ng hanapbuhay. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 40 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Inaayunan ng panahon ang pamamasyal. Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag padala sa bugso ng damdamin, dahil mapapahamak at pagsisisihan. May balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at gray.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung may balak, gawin kaagad. Iwasan ang ugaling mamaya na. Kung magsisipag, may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 24, 40 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maglingkod ng tapat sa pinapasukan. Patungo ka sa tagumpay kung hindi magbabago ang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at orange.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with