^

Kutob

Mayo 27, 2022

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun.21) Ngayon pa lamang dapat paghandaan ang mga gastusin sa pag-aaral. Simulan ang mag-ipon. Huwag aksayahin ang panahon. Anumang anggulo ng mabuting pagkakitaan ay dapat gawin basta sa ma-buting paraan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 35, 37 at Sky blue.

CANCER: (Hun.22-Hul.22) Habaan ang pasensya para mapaglabanan ang mga kabiguan sa buhay. Putulin ang walang kabuluhang mga bagay. Lucky numbers at color for the day ang 15, 25, 30, 40 at Blue.

LEO: (Hul.23-Ago.22) Baguhin ang desisyon lalo na kung ang resulta ay hindi patas. Malamang sumpungin ka dahil mapipikon. Lucky numbers at color for the day ang 21, 22, 40, 42 at Aqua blue.

VIRGO: (Ago.23-Set.23) Mapapabilang ka sa mga maaaring kumita ng malaki. Taglay mo ang positibong karisma kaya makakahikayat. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 40, 41 at Neon green.

LIBRA: (Set.24-Okt.23) Masasangkot ka sa situwasyon na magagamit ang kahusayan sa pananalita. Maganda ang takbo ng pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 39 at Jade green.

SCORPIO: (Okt.24-Nob.22) May hadlang sa iyong plano o gagawin lalo na kung tungkol sa napag-usapan ninyo ng minamahal. Maging maingat. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 36, 40 at Yellow.

SAGITTARIUS: (Nob.23-Dis.21) Ang makikilala mo ay nagtataglay ng mga katangiang hinahanap. Malamang makatagpo ngayon ang soul-mate. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 39, 41 at Brown.

CAPRICORN: (Dis.22-Ene.19) Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Magkakaroon ng solusyon ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 33, 34 at Red.

AQUARIUS: (Ene.20-Peb.18) Kung marumi ang kapaligiran, mag-ingat dahil madali kang kapitan ng sakit. Magtipid para hindi kapusin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 23, 44 at Orange.

PISCES: (Peb.19-Mar.20) Huwag magpapakita ng pagkapikon sa kasamahan dahil hindi ka tatantanan hanggang sa mawalan ng pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 35, 36 at Indigo.

ARIES: (Mar.21-Abr.19) Isang kapamilya ang mabibigyan ng kasiyahan. Kung balak magnegosyo pag-aralan. Project study ang dapat. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 33, 34 at Green.

TAURUS: (Abr.20-May.20) Bagaman nakakarinig ng hindi magandang salita mula sa pamilya ng asawa, sikapin na palitan ito ng kabutihan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 32, 33 at Red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with