Oktubre 9, 2021

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Matatanggap sa inaaplayang work abroad. Ihanda ang travel documents at mag-practice ng meditation para mangyari ang lahat ng nais. Umiwas sa mga mamantikang pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 38, 12, 57, 45, 36 at magenta red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maggu-group meeting ang family. Maliliwanagan ka na sa plano ng ngayon.Tutol ka lang sa  sobrang gastos. Lucky numbers at color for the day ang 32, 23, 45, 12, 56 at cyan blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Merong bagong assignment ang mahal mo. Bagay na hahati sa kanyang oras para sa inyo. Unawain siya. Lucky numbers at color for the day ang 32, 24, 45, 12, 56 at mango orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ikaw ang pipili sa buhay na hangad mo. Kung tatamad-tamad, maghihirap ka; kung kabaliktaran, mananagana ka. Lucky numbers at color for the day ang 55, 16, 45, 26, 37 at lilac brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Happy ka sa desisyon mo. May sisimulang  negosyo na magiging successful kung ititigil ang pagsusugal. Lucky numbers at color for the day ang 42, 26, 52, 16, 37 at mustard yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magpa-aura cleansing para maalis ang malas sa buhay.  Maiisip mo ang magtrabaho sa abroad. Lucky numbers at color for the day ang 16, 47, 58, 23, 29 at lava red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Pasalamatan ang lahat ng tumulong sa’yo. Learn to share your blessings para mas ma-bless ka. Lucky numbers at color for the day ang 16, 36, 45, 58, 25 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ipa-feng shui ang bagong condo unit. Ito ang magdadala sa’yo ng bagong source of income. Lucky numbers at color for the day ang 55, 32, 15, 48, 26 at tangerine.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) Mararanasan ang freedom ngayong mag-isa ka lang sa bahay. Mo-vie marathon ang peg mo. Lucky numbers at color for the day ang 26, 35, 12, 56, 42 at cobalt blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Tatanggap ng bagong offer mula sa dating kasamahan. Pag-aralan muna bago ito tanggapin. Lucky numbers at color for the day ang 26, 15, 55, 48, 32 at forest green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mahilig ka magpatawa kaya enjoy ka sa iyong employment. Marami ka ring mapapasaya. Lucky numbers at color for the day ang 56, 15, 36, 48, 26 at sapphire blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag magsugal kung ayaw na malustay ang mga naipundar. Mag-gym ka na lang, lalakas ka pa. Lucky numbers at color for the day ang 38, 21, 15, 57, 46 at sandalwood brown.

Show comments