Pebrero 26, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Gemini ang magdudulot ng problema o sakit ng damdamin. Hangga’t maaari iwasan pansa­mantala ang mga kila­lang Leo dahil ‘pag may hindi pagkakaunawaang naganap hahantong sa matagalang walang imikan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututuhan. Kung isang Sagittarius o Taurus ang makakasama, hindi magkakaunawaan at tampuhan ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Salubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang umaga. Subalit may oras na matatakpan ito ng makapal at madilim na ulap. Magiging masungit at mainitin ang iyong ulo na dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at corn yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon, ngunit huwag mabahala at sa huli, ikaw ang magwawagi kung iiwasan ang mga taong tsismosa at mapanira. Maipapakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mag-ingat sa pagkilos, pananalita at paggawa upang maiwasan ang makasakit ng kapwa at ang magkamali. Madali mong makukuha ang gusto kung ipagtatapat sa kinauukulan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream o white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang suwerte minsan lang kakatok sa pintuan at kung hindi papansinin, hindi na babalik kailan man. Maging handa na kung anuman ang dumating at kung inaakalang ikakabuti o ikakaunlad, sunggaban. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 41 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may nagkasakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad sa pagamutan upang hindi maging huli ang lahat. Kung walang nagkasakit sa pamilya, tiyak kasaganahan at kaligayahan ang madarama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Araw ng pangako, magiging magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang maglakbay, maglasing, magsugal, maki­pag-date at mga barkada dahil malapit sa iyo ang disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Malamang magkakaroon ka ng bagong pag-ibig o manliligaw. Isang Leo ang magbibigay ng dahilan ng iyong kasiyahan subalit isang Cancer naman ang magdudulot ng sakit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23, 32 at neon green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan ang tatamasain, subalit kung gumawa ng kasamaan, kasamaan ang daranasin. Ang gantimpala at paniningil ay huwag ipagtaka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may tipanan huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkakaabalang darating. Sa anumang transaksyong gagawin, dapat pag-aralan ng mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Palampasin ang maririnig na salita na ikapipikon o makakaasar dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang anumang mga salitang masakit sa tainga. Tawanan ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at white.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with