Pebrero 17, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Makakabuti ang makinig sa payo. Huwag padala sa bugso ng damdamin. Isang tao na may nunal sa kanang pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada sa mga happenings. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Gawin ang lahat ng makakaya upang mapairal ang seguridad ng kapakanan. Ang matagal ng hinahangad ay maisasakatuparan. Maganda at may suwerte sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at avocado green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kahit may kabagalan ang pasok ng pera kung tuloy-tuloy ang pagsisikap, may kaunlaran. Mag-ingat at magtimpi sa mga taong mapang-asar at mapagbiro. Ang personal na gawain ay may malaking pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magplano sa dapat gawin bago simulan. Iwasan ang maging emosyonal. Kahit ano ang mangyari panindigan ang sinabi at ginawa. Huwag ma-ngako at tiyak hindi matutupad. Iwasan ang maglakbay lalo na kung tatawirin ang dagat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 33 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang angking enerhiya sa trabaho o gawain ay malakas. Ibuhos ang lahat ng kakayahan sa gawain. Kailangan ang pag-iingat sa pera o alahas habang nasa sasakyan. Iwasan ang tsismis kung ayaw mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 38 at nile green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang career at reputasyon ang mangunguna ngayon. Iwasan ang makipagtalo sa kasamahan sa trabaho, kasambahay o kaibigan. Maligayang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga schedule ng hindi magkabuhol-buhol. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 39 at crimson red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang kasalukuyang takbo ng negosyo o trabaho ay magbibigay ng matalinong desisyon sa pagbabago. Iwasan ang matali sa anumang pa-ngako na hindi kayang tuparin. Magagawa ang pagbabagong hinahangad sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa istilo ng pamumuhay. Magiging masaya ang pamimili o pagsya-shopping dahil sa kasaganahan subalit makakabuting sundin ang badyet. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 41 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Unawain at pag-isipang mabuti bago lumagda ng kasulatan o mahalagang papeles. Huwag kaagad magtiwala sa mga taong makakaharap. Isang kaibigan ang may lihim na galit.Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at emerald green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang anumang transaksyon ay magiging tagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuklasan ang isang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 39 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging maagap. Ang paglilingkod ng tapat ay kailangan sa tungkulin. Patungo sa tagumpay ang nilalandas mo ngayon. Mapapabuti ang kalagayang pinansyal kung patuloy ang pagtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon ng mahala-gang desisyon. Isang kaibigan ang dadalaw. Magiging maganda ang ihip ng hangin kung iiwasan ang makipagtalo. Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo o problema. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 24, 40 at agate green.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with