^

Kutob

Enero 29, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Matatagpuan ang matagal nang hina-hanap. Napapanahon para ipakita ang nakatagong talento. Huwag magtaka kung lilitaw ang mga inggit, stay humble and happy. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 27, 35 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Lahat tayo ay merong pantay-pantay na panahon, nasa sa’yo kung paano mo pahahalaga-han. Sapat ang laman ng inyong refrigerator sa bawat kalam ng tiyan, huwag magsayang ng grasya para hindi kapusin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 15, 25, 41 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maging humble kung nasa tuktok ng tagumpay. Kapag yabang ang mangingibabaw, darating ang sandali na mawawala ang lahat at lalayo ang mga inaakalang nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 29, 33 at platinum pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kapag merong usok, may apoy. Matutuklasan ang totoo sa talas ng pakiramdam. Pairalin ang isip sa halin na ang bugso ng damdamin para mailayo ang sarili sa malaking pagsisisi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 25, 35 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Buhay ay paglalakbay, pero may babala na ipagpaliban muna ito lalo na ngayong naaaninag mo na short ang budget. Huwag mamihasa sa pangungutang dahil wala naman tiyak na pambayad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 35 at sun yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ayusin ang hinanakit habang may panahon at Ibaba ang pride. Ang totoo ay kusang lilitaw. Magpaganda, dahil maganda rin ang pakiramdam na dulot nito.  Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 32, 46 at ocean blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kutob ng kalooban ang iiral sa paglagda ng kontrata. Pero higit na mainam na malaman at maintindihan ang bawat isinasaad ng papeles bago magpasiya. Isang bagong ka-kilala ang magpapakilig sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at indigo.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mararanasan ang biyaya ng pagmamahal at aakitin ang yaman ng masayang buhay. Sakaling malubak ng daan at talisod, huwag panghinaan ng loob. Tuloy lang ang buhay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 27, 44 at flame red.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Pagpapalain ang iyong sipag at tayaga, huwag lang haluan ng ilegal na gawain. Tiyakin na malinaw na maihahayag ang gusto para hindi manghula ang iyong kapareha. Lucky numbers at color for the day ang 9, 27, 41, 44 at emerald green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Karaniwan na may naninira sa’yo. Pero hindi mananakaw ang natural na kabutihan sa’yo, kaya pipiliin mo pa rin maging mabuti. Ang paglilinis ng paligid ang pagkakaabalahan mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 21, 33 at ivory white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Masungit na costumer ang haharapin. Pero isang ngiti ang babawi ng suwerte. Posibleng mauuwi ang lahat sa magandang relasyon kung mag-alok ng mainit na chocolate drink.  Lucky numbers at color for the day ang 19, 35, 31, 39 at shocking pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Masigla ang araw at makakamtan na ang hinahangad na paglago ng kabuhayan. Huwag makalimot na magpasalamat sa mga tumulong. Bubuhos ang biyaya sa'yo at sa iyong pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 17, 21, 29, 37 at neon green.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with