Enero 20, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Tuklasin ang saloobin ng bago mong kakilala. Mag-ingat sa taong mapanira sa kapwa dahil madali kang maaapektuhan. Pairalin ang pagiging positibo sa pagsasalita at maging sa iyong gawa. Maaaring hindi makaiwassa pasaway, pero nasa iyong pagpapasiya kung lalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 36, 45 at coral red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isa lang ang pinagmulan ng tagumpay, ‘yun ang walang humpay na pagsisikap, tiyaga at pananalig sa Maykapal. Matutong makinig sa payo ng mga taong nagmamalasakit. Isang paanyaya ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 31, 33 at gold.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maaalis ang pagod sa sanda-ling malaman ang magandang balita na hatid ng iyong mahal. Ngayon mo mare-realize na hindi mo siya dapat ikahiya, sa halip ay maging proud sa lahat ng pagsisikap niya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 35, 49 at bamboo green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Masaya sa piling ng iyong new love, magpa-past life regression para makilala ang twinflame o soulmate. Maaa-ring magkaroon ng engkwentro sa makukulit, pasensiya ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 17, 25,19 at purple.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Matamlay ka dahil hindi gaanong appreciated ang iyong effort. Bagong mapagkakakitaan ang naglalandas, maaaring ang kababata na matagal ka ng gusto makausap ang magiging daan para magbago ang iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 29, 33 at tangerine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Makinig sa suliranin ng kaibigan dahil ang tulong na kaila-ngan niya ay maaaring ikaw ang makapagbigay. Laging piliin ang mabuting gawa para ito rin ang iyong anihin. Piliing mabuti kung sino ang dapat na pakinggan o sino ang hindi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 22, 35 pearl white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Makakaramdam ka ng pag-kabagot. Ganon talaga kapag walang direksiyon ang buhay. Kaya kumilos at tulungan ang sarili na maging kapakipakinabang. Napapanahon para pagtuunan ang love life. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 39, 44 at earth brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ayusin ang priorities sa work place. Tiyakin na magawa ang lahat ng deadline bago payagan ang sarili sa maraming commitment. Magandang idea ang mag-relax kung stress ka. Huwag balewalain ang iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 15, 25 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Salubungin ang araw ng masaya para maging magaan ang bawat bahagi nito. Maaaring hindi maiiwasan ang sirkumtansiya na makakaapekto sa mood mo, pero laging nasa iyo ang desisyon kung paano ito haharapin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 33 at violet.         

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Lubos ang kasiyahang hatid ng bawat matatapos na proyekto. Paganda nang paganda ang bawat araw, huwag kalimutang magpasa-lamat sa Maykapal at sa mga taong nagiging tulay ng iyong pag-angat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 17, 27, 35 at burnet orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang ofw na kaibigan ang maghahatid ng magandang  balita. Huwag basta maniwala sa sabi-sabi, tuklasin ang totoo para walang pagsisihan sa mga desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 36, 41 at bottle green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Suriin ang negosyo, dapat mo itong gawin ngayon. Iwasan ang network marketing, partikular na mag-ingat sa online business dahil nagkalat ang mga mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day  ang 25, 39, 44, 55 at peach.

 

 

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with