Diseymbre 6, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung isang Libra o Virgo ang makikilala ngayon, malamang siya ang iyong Cinderella o Prince charming. Ang dapat gawin, huwag magpadala upang hindi magsisi. Kung may mag-aanyaya, huwag paalpasin ngunit mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 41 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Walang mapapala kung hindi kikilos. Walang aanihin kung hindi magtatanim. Huwag sayangin ang oras dahil ang lumipas na, kailan man ay hindi na maibabalik pa. Gawin ang dapat gawin ngayon upang makaahon sa kahirapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 34, 42 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maaliwalas ang panahon sa tahanan at sa trabaho. Matatapos ng walang hadlang ang mga gawain. Lalambingin ka ng mahal, magulang o anak dahil may kailangan. Kung kaya, huwag tanggihan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 39, 42 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang masamang karanasan sa lumipas ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. Upang magkaroon ng tamang gabay, taimtim na panalangin ang kailangan. Nasa paligid ang manghihikayat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 27, 38 at ivory cream.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magaan ang trabaho ngunit may kabigatan sa aspetong pinansiyal. Kung may mga collectables ka ngayon, singilin dahil mababayaran. Kung lalapitan mo ang matalik na kaibigan o kamag-anak, ikaw ay matutulungan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 25, 34 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung sa pakiwari mabigat ang problema at hirap mahanapan ng tamang solusyon, walang masama kung kukunsulta sa psychic dahil ibang tao ang makakapagbigay ng solusyon. Lumapit sa inaakalang higit na nakakaalam Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 31, 42 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Larawan ng pagkatao ang kanyang salita o sinasabi. Huwag mangako dahil mahihirapan kang tuparin. Magi-ging makakalimutin ka kaya repasuhin ng maayos ang mga mahalagang bagay at schedules. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 29, 33 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Talo ka kung mapipikon dahil ikaw ang magiging sentro ng biro at kantiyaw. Kung makikisayaw ka sa tugtog, kaliwa’t kanan kang matatapakan kaya ang maganda ay umiwas at magpakahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 27 at lemon green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Sadyang hindi maiiwasan sa tao ang magmahal ngunit mailalayo ang sarili sa pagkakamali kung damdamin at utak ang pagaganahin. Ang sumusugod nang pabigla-bigla, kapahamakan ang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 28, 38 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kahit anong bagay kung sobra o kulang ay hindi maganda. Ang sobra mong pagmamahal ay siyang daan para maabuso ang iyong karapatan at kala-yaan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 23, 39 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Malakas ang iyong makamundong pagnanasa at bugso ng damdamin na kung walang disiplina ay may kapahamakang darating. Ibaling sa makabuluhang bagay ang iniisip tungkol sa pag-ibig at romansa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 19, 38 at cream.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Madali kang makumbinsi sa mga iaalok na bagay. Mag-ingat at baka mapeke o madenggoy. Suriin at alamin muna ng mabuti bago magdesisyon. Kung may pagdududa, huwag ituloy dahil magiging tama ang kutob. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 33, 34 at maroon.

 

 

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with