Disyembre 5, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Manatiling mapagpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride na kapag walang self-control, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang maging sakit ng ulo sa kapwa. Huwag ha-yaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalos-dalos. Bawat kilos, tiyakin na ang pabor ay nasa panig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat alagaan ng hindi masira. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal.Upang makasiguro sa nais malaman, kausapin ng masinsinan ng maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili ang hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaang maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para matiyak na maging maganda ang impresyon ng tao. Ang maging natural ay sapat na para makakuha ng mga kaibigan. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan upang mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, walang masama na ipagtapat kung malinis ang pakay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Unti-unting makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag maging magastos kahit may pera, dahil dara-ting ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti ng la-ging may naitatagong pera na kung kailangan ay may magagamit. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maaaring ang dalawang interesado sa’yo ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. Ang kasintahan ay magyaya ng pa-kasal. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag agad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali lalo na kung maselang bagay ang nakataya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with