Nobyembre 15, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Marami kang gustong gawin at kadalasan mahilig kang magsimula pero binibitawan ng hindi pa tapos, na siyang mangyayari ngayon. Simulan ang pagdisiplina sa sarili at tiyakin kung ano talaga ang gusto mo bago hawakan o simulan ang trabaho. Ang masamang gawi ay magbibigay ng pagbaba ng iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 35, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag hayaang masira ang pagkatao ng dahil sa ambisyon na umangat sa trabaho o dahil sa kinang ng pera. Tiyakin na ang pagkaing hinahain sa hapagkainan ng pamilya ay nanggaling sa malinis at marangal na kita. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 37, 42 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mahihirapan kang makitungo sa mga nakapaligid sa’yo. Makakabuting ipokus ang atensyon sa ginagawa o sa mga gagawing bahay. Hangga’t maaari, iwasan ang makisalamuha sa grupo o huntahan dahil mapipikon ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 31, 34, 37, 42 at blue sapphire.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang pag-uukulan mo ng atensiyon ay may kaugnayan sa negosyo o trabaho. Ilang mga detalye ang dapat bigyan ng prayoridad para mapag-aralan ang ilang aspeto na hindi napapansin. Lucky number  at color for the day ang 14, 20, 26, 39 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Tanggihan mo ang isang pakiusap ng kasamahan, kaibigan o kamag-anak dahil kung pauunlakan ay pagsisisihan. Kung nagmamaneho ng sasakyan, malamang makikipagtalo ka sa traffic officer. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 29, 39 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Posibleng maging maramdamin ka sa araw na ito ngunit magiging mahusay sa pa-ngangatwiran. Maganda ang takbo ng love life kaya ang pakiwari ay nasa tuktok ng daigdig. Bigyan ng kaukulang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 22, 27 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Dahil sa impluwensiya ng pag-ibig magiging masayahin ka ngayon. May positibong pagbabago sa mga galaw at kilos ng dahil sa pag-ibig. Ang problema sa tahanan o sa personal ay hindi mawawala ngunit magaan mo itong madadala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 28, 38 at dollar green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Para sa ikagaganda ng rela-syon, sa lahat ng pagkakataon, pang-unawa at pasensiya ang dapat pairalin. Magiging abala ka sa araw na ito subalit maligaya naman ang iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 33, 42 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maganda at tugma ang panahon sa pananalapi. Ihanda ang sarili sa sorpresang matatanggap. Subalit hangga’t maaari, iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 19, 33, 37, 38 at maroon.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Harapin ng matatag at mag-isa ang hamon sa buhay dahil walang kang makukuhang suporta kahit kanino. Sariling kayod ka ngayon. Huwag mag-alala. Lucky numbers at color for the day ang 14, 20, 33, 40 at scarlet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may gagawing pagla-lakbay, gawin sa umaga ng walang maging sagabal sa byahe. Ang byahe sa hapon ay magkakaroon ng abala o alintana. Upang makatiyak sa iyong hinala, tutukan ang pagsubaybay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 19, 37 at aquamarine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung hindi sasamantalahin ang oportunidad, maiiwanan ka ng mga kasamahan sa pag-asenso sa trabaho. Doblehin ang sipag at pagsisikap. Huwag tutulog-tulog. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 13, 31 at tangerine.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with