Nobyembre 13, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging mainitin ang iyong ulo sa umaga ngunit may mangyayari na magpapasaya naman sa’yo. Iwasan muna ang usapan tungkol sa pera. Sikapin na mapagtuunan ng pansin ang mga mahal mo sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 15, 22, 27, 39 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ngayong malalayo ka sa piling ng mga magulang saka mo mapagtatanto ang kahalagahan ng mga sermon nila sa’yo. Alalahanin na walang magulang na naghahangad na mapasama ang anak. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 25, 39 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi pa istabilisado ang iyong trabaho kaya pagtuunan ito ng ibayong atensiyon. Malakas ang hatak mo sa kapwa manggagawa kaya madali mo silang maging kaibigan. Walang masama na magtiwala subalit ang mag-ingat ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 31, 43 at light blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung may trabaho at gustong humingi ng dagdag na sahod, patunayan mo muna kung karapat-dapat kang bigyan. Kailangan na paghandaan at maging matatag sa malaking pagsubok na darating sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 23, 36 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mapapasakamay ang bagay na inaasahan subalit kaunting tiyaga lamang ang kailangan sa paghihintay. Kung may appointment o lakad, sa umaga ito gawin upang maging positibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 38, 42 at green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung buo ang loob at magtitiyaga sa kasalukuyang trabaho, may tsansang mag-iba ang ihip ng kapalaran sa mga susunod na araw. Ang oras ay ginto sa kasabihan at siyang tunay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 35, 43 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kapos at kulang ang iyong pera kaya ang planong pagbabyahe ay ipagpaliban muna. Ang inaasahang tulong mula sa kamag-anak o kaibigan ay darating ngunit may pagkaalintana. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 37, 44 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Posibleng masaktan ka dahil sa pag-ibig. Ngunit may mga kaibigan na handang dumamay at magbigay ng pag-asa. Huwag tanggihan ang kanilang alok dahil ang lahat ng pakana nila ay para sa iyong kabutihan. Makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ang 14, 21, 29, 40 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maganda at magiging progresibo ang araw para sa’yo kung hindi ka mapipikon sa biro o pang-aasar ng nakapaligid na kasamahan, kaibigan o maging kamag-anak. Kung mapipikon, lalo ka nilang aasarin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 36, 38 at orange.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Maaaring makasakit ng damdamin ng kapwa o ikaw ang masasaktan. Mag-ingat at pag-isipan ng mabuti ang bawat salitang bibitiwan para maiwasan na makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 26, 37 at violet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Dahil sa iyong pagkasimple at kabaitan, irereto ka ng isang kaibigan sa kanyang matalik na kaibigan. Sa unang tagpo pa lamang, kakaiba na ang pintig ng iyong puso. Pahiwatig ito ng pagkagusto pero mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang  5, 18,   27, 34 at apple green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isang ahente ang magbibigay ng impormasyon tungkol sa lupa’t bahay na gusto mong bilhin. Pakinggan ang suhestiyon bago magdesisyon sa dapat gawin. Pag-aralang mabuti ang budget. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 36 at emerald green.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with