^

Kutob

Setyembre 20, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag ituloy at ipagpaliban kung ano ang mahalagang binabalak dahil hindi magbubunga ng maganda. Pansamantala, ibaling ang atensyon sa paglilinis o pag-aayos ng bahay o kagamitan. Iwasan ang magalit, magtsismis o magmura. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 28, 35 at sky blue.   

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimulang maging maayos ang takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang binitiwang pangako. Huwag kalimutan ang magpasa­lamat sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 7, 13, 27, 36 at pink.   

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Aanihin ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang mangyayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga kagamitan sa tahanan o pinagtatrabahuan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 15, 37 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ng tao ay katulad ng sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako sa’yo ay mapapako at hindi matutupad. Maghunos-dili. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 39 at pale yellow.  

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Madaragdag sa problema ang perang hiniram o pinahiram na hindi mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 31 at indigo.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maaaring madawit ka sa kagagawan ng iba. Pero maiiwasan kung magiging alerto at mapagmasid. Ayusin ang pagganap sa tungkulin upang walang mapuna ang nakakataas. Maaaring may magtraydor na kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 31, 39 at fuchsia.  

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung walang imik, walang pagkakamali, kakaunting sa­lita, kakaunti ang pagkakamali, kung madaldal maraming pagkakamali ang magagawa. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali upang landasin ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 25, 36 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ituloy ang binabalak dahil magiging positibo ang resulta, huwag lamang ang labag sa batas ng tao. Kung may lakad na pang-personal o pang negosyo, huwag magdalawang-isip dahil magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 21, 24, 30, 39 at yellow.   

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, hahantong sa kapahamakan. Iwasan ang mga barkada dahil magiging daan ito ng iyong kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 21, 23 at scarlet.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig, dahil tiyak na ang damdamin. Kung palaging hindi nagkakaunawaan, walang dahilan na hindi putulin ang pakikipagrelasyon hangga’t maaga pa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 14, 18 at jade green.  

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging suliranin ang pinansiyal. Simulan ang masinsinang pagba-budget dahil ito lamang ang tanging paraan upang makaahon sa kagipitan. Huwag saya­ngin ang oras, kung ano ang magagawa ngayon, kilos. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 21, 36 at peach.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Malakas ang kutob na positibo ang kalalabasan ng anumang gawain. May mapapala sa gawain, mali­ban kung labag sa batas ng lipunan at ng langit. Huwag maging pihikan o mapili sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with