^

Kutob

Hunyo 16, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magkakaroon ka nang maikling paglalakbay tungkol sa trabaho, negosyo o personal. Good news dahil inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng iyong lakad. Kung anuman ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 29, 36 at royal blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maging realistic at praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan ay dapat gawin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran ang mangyayari. Ang hindi sukat akalain ay masasaksihan ngayon. Mag-ingat sa lahat nang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 23, 26 at lavender.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Kakambal ng pagmamahal ang tiwala. Kung sisibol ang pagdududa, dapat lamang ang masinsinang komprontasyon para matiyak kung magagawa pang magtiwala o hindi na. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 35, 42 at sun yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Wow! Good news para sa'yo, dahil may hatid na suwerte ang araw na ito para sa mga Virgo. Pero dapat kumilos para matamo ang suwerte. Kung ano ang iniisip, gawin. Huwag mag-aksaya ng oras. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 16, 28 at peach.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kasaganahan ang hatid ng signos ngayon. Maaaring sa aspeto ng pag-ibig, pagkain, pera o kagamitan. Magiging maaliwalas ang buong araw, subalit dapat paghandaan ang darating na mga bukas. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 23, 37 at burgundy.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Upang hindi mapasubo, iwasan na mapasali sa intriga. Makakabuti ang manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal na magkaroon ng problema, pero dapat isaayos agad para hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 21, 32 at scarlet. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Bad news para sa’yo dahil dapat mong iwasan ang Saturday night outing o affair para mailayo sa hindi magandang pangyayari. Kung magmamaneho, dobleng ingat ang dapat gawin. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 31, 40 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging masaya at masigla ang iyong araw dahil sa pag-ibig. Tama ang panahon para sa Saturday night outing o date. Maging sa pag-akyat ng ligaw, masaya kang sasalubungin ng iniibig at mga magulang niya. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 36, 40 at violet. 

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Magiging angkop ang araw upang bawiin ang iyong pagod sa mga nakaraang araw. Dahil sa weekend, magiging masaya ang manatili sa tahanan at magpahinga. Sa bandang hapon, madadalaw ang kamag-anak o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 18, 28, 32 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung buo ang loob, makakamit ang ninanais kung kikilos at paiiralin ang sipag at tiyaga. Walang magagawang  kabutihan ang pagmumukmok mo. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 31, 45 at rainbow.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magandang balita dahil isang Virgo o Capricorn ang magbibi-gay ng surpresa sa’yo. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magiging masaya kung idaraos ito sa tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 10, 24, 31 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging hindi normal sa tao kung walang problema sa buhay. Huwag mag-alala dahil ang taglay na suliranin ay may kalutasan ngayon. Ang tampuhan ninyo ng kasintahan ay parang bola na mawawala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 27, 30 at maroon.

 

vuukle comment

KUTOB HUNYO 16 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with