^

Kutob

Abril 24, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang anumang naiwang gawain ay mawawalan ng kabuluhan sa hinaharap. Sikaping mapag-ukulan ng pansin ang lahat nang nakabimbing gawain para matapos bago sumapit ang hapon. Ang kalusugan ay hindi magiging sagabal sa pagtupad sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Magiging sensitibo ka sa ilang mga bagay. Maaaring makamtan ngayon ang matagal nang inaasam-asam. Masasaktan ka sa mga salitang maririnig laban sa’yo. Panatilihin ang hinahon nang makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May matatanggap na hindi inaasahang regalo at sulat. Isang kaibigan ang na-ngangailangan ng tulong na materyal o payo. Ang kompetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang iyong talino ay malaking puhunan sa ikauunlad kaya panahon na upang magamit ito sa makabuluhang bagay. Magandang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment. Huwag pansinin ang mga tumututol. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang pag-ibig ang siyang ga-bay sa pagsisikap. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang tinatahak na kaunlaran. May panahon para maglibang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 26, 27 at lemon green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang payo ng mga nakatatanda ay mahalaga para sa iyong kabutihan. Huwag ma-ging ipokrito at sundin ang inaakalang tama. Walang magsasalita ng laban sa’yo kung walang nakikitang mali sa ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay walang kapalpa-kan, pero sa bandang hapon ay magiging matamlay at mabagal. Kung may lalakarin, sa umaga gawin para ma-ging tagumpay. Naaayon ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at apple green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang responsibilidad sa pamilya ang siyang magiging pangunahin kaysa sa sarili. Ang taglay na kasipagan at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para matamo ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Bigyan ng ekstrang oras ang minamahal na matagal nang nababalewala. Ang mga praktikal na gawain ang siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. May magandang oportunidad na paparating. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang magalit at ang mabilis na pag-init ng ulo na siyang sisira sa araw mo. Kakailanganin ngayon ang matibay na self-control dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 21 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw sa tugtog. Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Dapat mag-relax o manood kaya ng sine.Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Kung may hindi nalalaman, huwag ikahiya ang mag-tanong. Upang maging tagumpay sa trabaho, hagilapin ang lahat na detalye at iayon sa sarili. May pagkakataong sumalungat ka sa iba at igiit ang gusto. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

vuukle comment

KUTOB ABRIL 24 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with