^

Kutob

Pebrero 10, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Bigyang laya ang sarili sa pag-ibig. May magandang kapalaran na naghihintay sa larangan ng pag-ibig. Maaaring dumating na ang matagal nang hinihintay o inaasahan. Magiging masigla at magkakaroon ng buhay ang lahat ng bagay sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at garnet red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang matagal nang hinihintay ay malamang matatanggap o darating na. Huwag mawalan ng pag-asa dahil kung kikilos, tiyak may mangyayari. Kung may lalakarin, sa umaga isagawa at tiyak positibo ang magiging resulta. I-postpone ang ano mang appointments sa bandang hapon dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 34 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maipakita ang magandang ugali sa kabila ng hindi magandang ipinakikita ng kapitbahay o kasamahan. May araw rin na maliliwanagan siya sa tunay mong pagkatao. Maaaring ikaw ay maging isang magandang halimbawa sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 15, 28 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging suliranin ang pag-ibig. Malamang magbreak-up kayo ng gf o bf mo dahil sa hindi pagkakaunawaan at hahantong sa hiwalayan. Kung selos ang dahilan, unawa at tiwala ang kailangan. Posibleng magsisi nang malupit kapag nalamang mali ang iyong inaakala. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at scarlet red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Makatulong ka sa isang kamag-anak na may karamdaman o pangangailangan. Magiging angkop ang araw para manalangin o kaya sa pagdalaw sa isang kamag-anak. Mapapawi ang tampuhan na namamagitan sa inyo ng minamahal at magbigay ito kapwa ng kaligayahan sa inyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 18, 26 at royal blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May taong lalapit upang hingin ang iyong opinyon tungkol sa pag-unlad ng negosyo, personal o ibang bagay. Maaaring matulungan mo siya o sila, pero kailangan ang masusing pag-aaral sa kanilang suliranin. Sa pag-ibig, huwag biguin ang minamahal sa kanyang inaasam-asam na kaligayahan sa piling mo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 39 at indigo.  

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magiging kasundo ang isang bagong kakilala at malamang hahantong sa pagiging mabuting magkaibigan. Ang buong maghapon ay magiging masaya, pero dapat iwasan ang maranyang paggastos. Simulan ang pagtitipid. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 39 at pearl pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magiging mapaghamon ang araw, subalit huwag mabahala dahil mananaig ang kapakanan. Malalampasan ang mapaghamong pangyayari sa tulong ng iyong talino at angking kakayahan. Relax at huwag mag-panic. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 12, 30 at avocado green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging madaling gampanan ang mga gawain. Makakatulong at maipapakita sa mga kasamahan ang ganap na kooperasyon sa mga binabalak at gagawing proyekto. Pero ingat ang dapat gawin dahil may ilang tao ang hindi ka pagkakatiwalaan.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may binabalak na lakad, mag-ingat sa bawat hakbang lalo na sa mga hindi pantay na lugar dahil may kahinaan ang bandang ibaba ng katawan. Huwag kalimutan ang manalangin para magkaroon ng malakas na kamalayan at pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 3, 25, 27, 45 at mint green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Unahin ang gawain na inaakalang madaling matapos. Maaaring mapag-usapan ang mga bagay-bagay na hindi napagkakaunawaan. Maiiwasan ang gulo kung idaraan sa mahinahon at lamig ng ulo ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 19, 24 at lavander.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May hatid ng kasiyahan sa mga magkaibigan na matagal nang hindi nagkikita ang muling pagsasama-sama. Magiging masaya sila sa iyong pagdalaw kung bibigyan ng panahon. May panahon paramakadalo sa isang pagtitipon sa dakong hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 33, 40 at peach.

vuukle comment

2019 HOROSOCPE

PEBRERO 10

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with