Enero 14, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2019 - 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag malito sa iba’t ibang payong maririnig mula sa mga kaibigan. Sundin ang nararapat at pag-isipan ng mabuti ang ibubunga nito sa gawain. Maging matatag sa gagawing pagpapasiya. Sa pag-ibig, ang hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan ay mauuwi sa paghihiwalay o pangmatagalang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 27, 34 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ang payo nang higit na nakakaalam ay magiging mahalaga. Kung may balak na bumukod ng tirahan, ngayon ang tamang araw. Huwag hintayin ang pagdating ng isang kaibigang inaasahan at tiyak  hindi makakarating. Lucky numbers at color for the day ang 9, 25, 33, 39 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang laging pagsandal sa mga detalye, humanap ng sariling ideya para magamit nang husto ang kakayahan. Makakabuti ang matapat na pakikipag-usap ng personal kung salapi ang kasangkot. Maging alerto  sa lahat ng pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 26, 33 at cherry red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) May mga matinong paraan para kumita. Ang pagkalulong sa sugal at iba pang laro nang pakipagsapalaran ang magiging balakid sa pag-unlad. Kung hindi mo ito titigilan, hindi malayong maghimas-rehas ka. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 36, 45 at forest green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung sadyang kapos sa pera, walang masama kung magsasabi ng totoo sa kinauukulan. Isang matalik na kaibigan o kamag-anak ang hihingi ng tulong. Kung kayang tumulong. Hindi naman din masama kung wala kang sapat na kapasidad para tulungan siya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 27, 35, 39 at lemon green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Makakaramdam ng kirot at pananakit ng balakang o baywang pero huwag mabahala dahil sanhi lamang ito nang pagbabago ng panahon. Panatilihin ang pagkamaunawain at mapagbigay. Araw ngayon nang pagpapatawad. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 34, 40 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Matataranta sa pagsisimula ng araw dahil halos sabay-sabay na magsusulputan ang problema. Relax at kalmahin ang sarili para makapag-isip ng magandang solusyon at matuklasan na sisiw lang pala ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 31, 35 at brown.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Anuman ang planong gagawin, dapat ituloy para anihin ang tagumpay. Ang kalagayang pinansiyal ay may magandang  kinakaharap at nasa tamang landas ang kaunlaran kung dadagdagan ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 34, 35, 39 at honey yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Tamang panahon para sa paglilinis ng bahay at kapaligiran. Ipagkasya o ilagay sa budget ang anumang gastusin. Kahit papaano, magiging masaya kung tulung-tulong ang buong pamilya sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 34, 38 at amethyst.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Maaaring magdulot ng sama ng loob ang kaibigan o kamag-anak. May pagkasensitibo ang isang nakakatandang kamag-anak na nangangailangan ng iyong pangunawa. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo.  Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 40, 42 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging balanse ang oras sa lahat ng bagay. Walang magiging suliranin sa trabaho at pamilya. Magiging malakas ang ESP. Kaya umaayon ang panahon, kung ano ang hinahangad ay makakamit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 33, 42 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang kalusugan ay humihingi ng karagdagang pansin. Kung may kakaibang nararamdaman, magpa-check up. Iiwasan ang mga pagkaing mamantika. Sariwang gulay at prutas ang dapat. Lucky numbers at color for the day ang 17, 21, 32, 37 at baby pink.

2019 HOROSCOPE ENERO 14
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with