^

Kutob

May 22, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maging pasensyoso ka sa lahat ng pagkakataon, sa araw na ito. Malakas ang dating mo sa iyong mga admirer. Magigipit ka dahil sa sobrang paggastos at pagbibigay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 22, 31, 41 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mawawalan ng suporta sa mahalagang sector ng lipunan. May matututunang bagong kaalaman sa tamang pagkain. Ang pagbisita ng minamahal ay magbubunga ng magandang kapalaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 33, 41 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Sa wakas, makikita mo na ngayon ang kagandahan ng walang love life. Bagaman mahihirapan kang mag-isip ng mga bagong ideya, magiging matalas ang iyong memorya. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 27, 38 at burgundy.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa trabaho o sa tahanan. Masuwerte ka sa napiling mamahalin. Mag-ingat sa mga pabango at pampakinis ng balat na magbibigay ng pagkairita sa katawan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 12, 25 at orange.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Palalayain ka ng isang masalimuot na alaala. Maaayos mo na ang iyong schedule na sadyang nagpapagulo sa mga aktibidad mo. Walang mapupundar kung magpapabaya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 37 at purple. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Hindi ka mahihiyang ipakita ang magandang pangangatawan dahil hahangaan ka. Hindi makakabuti sa iyo ang madalas na pagkahilig sa matamis, kaya bawasan mo ang pagkain nito. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 31, 40 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Hindi mo maiiwasang gumastos ngayon. Aaliwin ang sarili sa pamamagitan ng pamamasyal at pamimili. Iuukol mo ang panahon sa pag-ayos ng sarili para sa isang bisita. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 41 at lilac. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Makukuntento ka sa pagtingin niya sa iyo. Unti-unti mo nang natatanggal ang mga masamang bisyo. Malalagay sa peligro ang pagkakakitaan kung luho ang palaging nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at baby blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Hindi magdududa ang mga kakilala sa taglay mong lakas. Ang karagdagang oras sa trabaho ay magiging pabor para sa iyo. Mas gugustuhin niya ang isang tulad mo dahil sa pagiging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 28, 36 at garnet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makiramdam ka sa ikinikilos ng iyong minamahal, dahil mayroon siyang gustong ipahiwatig sa iyo. Maaayos ang pinansiyal na pangangailangan sa Linggong ito. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 35, 42 at fuchsia.  

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Madamdamin ang magiging araw mo sa piling ng sinusuyo. Malalagay sa peligro ang mga ari-arian kung hindi ito iingatan. Hindi mo na pababayaan ang sarili na bumigay sa mga paanyaya ng masamang barkada. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 21, 29 at cadet blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Galak ang mararamdaman mo sa piling ng mga mahal sa buhay. Mapapawi mo ang negatibong enerhiya sa pamamagitan ng ugali ng iyong makakasalamuha. Matatanggalan ka ng ilang pribilehiyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 39, 41 at maroon.

vuukle comment

HOROSCOPE MAY 22

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with