^

Kutob

Marso 25, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Dahil kapos ang pera, makakabuti kung mag-budget at gumawa ng listahan ng mga bibilhin. Kailangan ang reaksyon at pagsasalita ng mahinahon sa mga bagay na hindi naaayon sa iyong patakaran at prinsipyo. Lucky numbers at color for the day 1, 5, 32, 35 at green.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) – Ngayon mo mapapansin ang mga maliliit na bagay na kulang sa tahanan. Tamang panahon para i-meeting ang mga kasamahan sa tahanan, kung ano ang mga dapat gawin para sa ikabubuti ng lahat. Huwag mag-init ang ulo, idaan sa diplomasya at mahinahon na paraan. Lucky numbers t color for the day ay 3, 12, 28, 30 at blue.

GEMINI (May 21- Hun. 21) – Maluwag ang oras na mailalaan sa tahanan ang paglilinis at pag-aayos. Ang pagkamakasarili ay mapapansin ng kasamahan na dapat baguhin para mapalapit sa kanilang damdamin. Ang anggulo ng selos ay iiral. Ilagay sa matuwid ang pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 18, 38 at red.

CANCER (Hun. 2 - Hul. 22) – Anumang suliranin sa buhay ay dapat harapin ng buo ang loob at tiyak ang solusyon ay kusang darating. Magiging pangunahing suliranin ang pera. Kung matatag ang loob, maaaring may magbayad kung may pautang. Maaaring may darating na tulong mula sa kamag-anak o makakatanggap ng regalo mula sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 25, 27 at white.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) – Walang sagabal sa gustong gawin. Ang pakikipag-halubilo sa sosyalan ay magbibigay kasiyahan. Kung may balak na maglakbay, ituloy. Positibong pananaw sa buhay ang iiral kaya kung ano ang binabalak, huwag mag-aksaya ng panahon at gawin kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 23, 37 at orange.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – Agapan at bigyang buhay ang lumalamig na relasyon. Kung may alitan sa nakaraan, ngayon madaling hanapan ng solusyon. Panahon ng pagpapatawad sa nagkasala at humingi ng tawad kung may kasalanan. Madali kang malapitan at madali kang makakalapit kung may kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 39, 41 at brown.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – Dahil sa ugaling ipinapakita, posibleng maantala ang promosyon sa pinapasukan. Panahon ng pagbabago sa kaugalian na hindi katanggap-tanggap sa kapwa. Kung may lakad, maaaring maabala dahil sa trapiko. Paglaanan ng oras ang anumang gawain. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 20, 31, 34, 36 at blue.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) – Nang dahil sa krisis, ngayon tugmang panahon para maghanap ng dagdag na mapagkakakitaan. May masasagap na ideya at kailangang kumilos agad para walang masayang na panahon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 10, 25 at pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) – Isang kaibigan ang magpapakilala ng taong magiging intresado sa’yo. Maaaring Taurus o Gemini ang maging matalik kaibigan o kaya’y maging bahagi ng iyong hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 25, 36 at white.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) – Tamang panahon para magkaroon ng magandang ugnayan tungkol sa negosyo. Ngayon ang panahon para paunlarin o palawakin ang negosyo. Kung may kasosyo, tamang panahon para magkaroon ng usapan sa negosyo. Ang mga plano ay dapat isaalang-alang at gawin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 18, 29 at green.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) – Ang tagumpay ay depende sa responsibilidad at pagsisikap kaya pag-ibayuhin ang pagganap. Huwag isalin sa iba ang dapat gawin ng sarili. Ang anino ng pagkakamali ay palaging nakabuntot kaya ibayong ingat ang dapat. Konsentrasyon sa ginagawa ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 23, 29, 31, 38 at turquoise.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) – Ang pag-ibig ay magiging pangunahin at inspirasyon. Kung may balak na dumalaw o umakyat ng ligaw, ngayon ang panahon. Makakamit ang tagumpay. Ang pana ni kupido ay nakabulls eye ngayon sa puso ng mga Piscesians kaya magiging malambing at kaakit-akit ka samga taonjg nakapaligid sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 17, 42 at magenta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with