Enero 16, 2018

Capricorn - Disyembre 22- Enero 19

Nagbunga na ang pinaghirapan. Magiging maganda ang takbo ng buhay kaysa nitong mga nagdaang buwan. Matutong mag-ipon para hindi na muling magipit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 45 at canary yellow.

Aquarius - Enero 20 - Pebrero 18

Manatiling tapat sa minamahal. Kung may gustong sabihin, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita, asahan na doble ang kasiyahan na kanyang madarama. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 21, 30 at pink.

Pisces - Pebrero 19 - Marso 20

Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak na kay-tagal nang nais kang maka-usap pero lagi mong iniiwasan, ang makakaharap ngayon. Anuman ang dahilan nang pag-iwas, mabuting kausapin siya. Panahon nang pagpapatawad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream.

Aries - Marso 21 - Abril 19

Magandang balita ang dara-ting. Maaaring may kinalaman sa trabaho, kaibigan o kamag-anak. Anuman ito, isa lang ang tiyak,  napaka-gandang hinaharap ang naka-takda para sa kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 36 at peach.

Taurus - Abril 20 -Mayo 20

Malaking pagbabago ang nakatakdang mangyari sa buhay. Mapagtatantong kaya palang paunlarin ang sarili sa abot nang makakaya nang hindi nakakaperhuwisyo ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

Gemini - Mayo 21 -Hunyo 21

Labanan ang katamaran dahil walang matatapos na gawain. Alisin ang sistemang madalas na ikatuwirang mahaba pa ang oras dahil hindi mamamalayan ang pagtakbo nito at nasasayang lamang. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at lilac.

Cancer - Hunyo 22 -Hulyo 22

Kalimutan ang nangyari. Ang mahalaga ay ang ngayon at bukas. Isipin na may bagay na talagang nangyayari nang taliwas sa inaasahan. Ang pagkakamali ay natural, kung isasa-alang-alang ay magsisilbi itong aral para hindi na maulit muli. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

Leo - Hulyo 23 - Agosto 22

Malaki ang tiwala mo sa sari-ling ngayon. Lalo pang lalaki ang tiwala kapag nakita ang positibong resulta nang ginagawa. Tiyak na mapapagod nang husto subalit hindi ito iindahin dahil sa tuwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

Virgo - Agosto 23- Setyembre 23

Ilang pagbabago sa trabaho ang makapagpapalito sa iyo. Pilitin na matutunan ito upang matapos ang kalituhan. Huwag makisali sa problema ng iba dahil ikaw ang maaapektuhan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 28, 35 at beige.

Libra - Setyembre 24- Oktubre 23

Mapagtatanto na parang walang patutunguhan ang buhay subalit hindi dapat mag-isip nang negatibo. Dahil magiging negatibo rin ang resulta. Suriin ang sarili kung ano ang nangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 24, 39 at purple.

Tiyakin na ang mga binibili ay ang kailangan lamang. Hindi ngayon ang tamang panahon sa pag-aaksaya ng pera dahil may paghahandaan sa darating na panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at orange.

Sagittarius - Nobyembre 23 -Disyembre 21

Paglaanan ng atensyon at panahon ang sarili. Hindi mabuti ang ginagawang sobrang pagpapagod. Kaila-ngang paminsan-minsan ay lumalabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 20, 34 at green.

Show comments