Marso 4, 2017

Pagtitibay: Magiging positibo ako dahil natitiyak kong hindi ako nag-iisa sa bawat sandali. Tapat ang Manlilikha ko sa kanyang salita na hindi ako iiwan ni-pababayaan.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mabibiktima ka ng isang panlilinlang kung magpapabaya at hindi mag-iingat. Mapapanatili mo ang kanilang paghanga at pagrespeto sa iyo. Maipagpapatuloy ang mataas na respeto ng komunidad sa iyo kung hindi ka magbabago sa pakikitungo sa kanila. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 31, 40 at silver.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi ka kikibuin ng iyong mahal dahil may tampo o may galit siya sa iyo. Huwag itong hayaang lumala, pag-ukulan siya ng panahon. Paglalambing at pagsuyo ang kailangan mong gawin. Kung maaari, ilabas mo siya para lalo siyang maniwala na hindi ka nagbago. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 14, 22 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Bigyan ng prayoridad ang pinansyal na pangangailangan. Tila lalaki ang iyong mga gastusin sa panahong ito. Isang malapit na kapamilya ang lalapit sa iyo upang humingi ng tulong pinansyal ngunit hindi mo mapapaunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 25, 32 at pearl pink.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Walang makakapansin sa iyong ginintuang puso subalit huwag tumigil sa paggawa ng kabutihan sa kapwa, dahil may biyayang nakalaan dito. Ang nasa itaas ang magbibigay ng biyaya sa iyo kaya patuloy kang manalig sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 31, 40 at garnet red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Tumahimik ka muna kung mag-uumpisa na namang magbunganga ang iyong asawa o magulang tungkol sa pera. Kaila­ngan mong harapin ang katotohanan na talagang kinakapos kayo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 17, 31 at citrine yellow.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Makakatagpo mo ang dati mong mahal. Hahantong na naman sa bawal na relasyon ang inyong pagkikita, kung hindi mag-iingat at pag-iisipan ng mabuti ang mga desisyon. Mararamdaman mong mahal ka pa rin niya kahit hindi ka na malaya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 24, 32 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hawakan ng mabuti ang matatanggap na pera dahil tiyak na mawawaldas lamang ito sa walang kabuluhang bagay. Hindi pa panahon upang gastusin ito. Mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga bagong kakilala, baka ikaw ay mabiktima. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 15, 31 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Subukan mong makipagkita sa dating kasosyo sa negosyo at tiyak may panibago kang kikitain. May mabuting pangyayari ang darating sa araw na ito. Huwag ipakita sa mahal ang pagpatak ng mga luha. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 27, 39 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Dadalawin ka ng isang kamag-anak dahil sa swerteng natamasa. Huwag maging madamot. Ganyan talaga ang buhay, kung sino ang mayroon, siya ang nilalapitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 22, 37 at cherry red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kakayanin mo ang pagod sa maghapon. Dapat lamang dahil para ito sa pangangailangan. Pero kailangang magpahinga ng todo sa gabi para makabawi. Kung magpapabaya, magiging sanhi ito ng karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 23, 34 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kukomprontahin ka ng iyong mahal dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari. Magkakaroon ng kaunting tampuhan sa pamilya ngunit huwag mag-alala at madaling mareresulba. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 20, 36 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Lalo kang mapapamahal sa kanya dahil sa ipinapakitang kabutihan. Kung lalapit para sa pinansiyal na tulong sa kaibigan o kamag-anak. Hindi mabibigo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 22, 35 at dirty white.

 

 

Show comments