Mayo 2, 2015

Affirmation: Iniaangat ko ang lahat ng pangamba sa mapagmalasakit kong Diyos. Magaan ang araw na ito para sa akin.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang oracion meditation ang magbibigay sa iyo ng malakas na mind power para makapagplano ng mabuti sa katuparan ng iyong pangarap sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 29, 46 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ang iyong maran­yang karanasan ang aakit ng masaganang kabuhayan. Sundin ang payo ng doctor. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 40, 51 at platinum pink.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Tuklasin ang pinagmulan ng tsismis. Maging mahinahon sa bawat sandali, lalo na kapag tumutugma ang sitwasyon para sa komprontasyon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 29, 33 at pink.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magpa-feng shui para maakit ang mga helpful people na magpapa-angat ng iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 22, 45 at green.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Magpunas ng mukha. Kakailanganing mag-general cleaning dahil meron darating na bisita. Magbibigay ng pasalubong at good news kaugnay sa job opportunity na iaalok sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 43, 31, 27, 19 at orange.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ito ang takdang panahon na dapat baguhin ang anyo, magpagupit ng buhok. Masuwerte ang iyong reinvention sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 32, 48, 40, 15 at cherry red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Mag-ikapu para tuluy-tuloy ang biyaya. Ingatan ang credit card baka ma-close. Purihin ang iyong ina. Lucky numbers at color for the day ay 53, 33, 41, 45 at hot pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kumunsulta sa psychic para magabayan sa tamang desisyon para sa pagpili ng life partner. Lucky numbers at color for the day ay 26, 39, 22, 55 at pearl white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-ingat sa investment sa network marketing. Dahil madalas scam ang mangyayari, alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 28, 44 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Unahin ang interes ng family. Tagumpay ang stem cell medical intervention. Alagaan ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 35, 48, 59, 39 at mustard yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Merong bagong tuklas na paraan para mag-improve ang talino ng isang bata. Alamin ang bagay na ito para matulungan ang anak sa papasok na school year. Lucky numbers at color for the day ay 35, 38, 26, 33 at scarlet red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang iyong busilak na pagkatao ang aakit ng wagas na tagumpay. Magkakaroon ng makapangyarihang salita para tuparin ang pangako. Lucky number at color for the day ay 11, 21, 36, 44 at sapphire blue.

 

 

Show comments