Enero 30, 2016
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

Pagtitibay: Bigyan daloy ang iyong pagnanasa para maging unlimited ang sources ng mga ideas at mailabas ang iyong creative expression. Maghahatid ito ng pag-unlad sa iyong buhay.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Masaya ang araw dahil darating ang isang potensiyal na pag-ibig. Mas marami ang biyaya ang tatanggapin. Lucky numbers at color for the day 11, 29, 51, 17 at yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang yaman na mamanahin ay mabilis na malulusaw kung paiiralin ang bisyo. Ingatan ang lahat ng biyaya para hindi masayang. Lucky numbers at color for the day 22, 29, 35, 41 at mandarin red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pagpuri sa kapwa ay aakit ng saya. Ang pagpuri sa ina ay aakit ng suwerte dahil siya ay nagsisilbing tulay ng hiram na buhay. Lucky numbers at color for the day 11, 17, 27, 39 at blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Isang idea ang magpapayaman sa’yo. Ito ay kung paano gagamitin ang yaman na mula sa basura. Lucky numbers at color for the day 8, 11, 21, 39 at pink.  

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ayusin ang problema sa pag-ibig. Mahihirapan ka kung nais mong kontrolin ang karelasyon. Lucky numbers at color for the day 11, 19, 25, 37 at dollar green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Global ang iyong paglalakbay para mabenta ang iyong negos­yong sapatos. Mula rito ay sari-saring negosyo ang maaakit mo. Lucky numbers at color for the day 3, 11, 22, 49 at violet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Sa pagda-drive ng kotse, kalma sa kalooban ang pairalin para maiwasan ang disgrasya at maakit ang grasya, kapag ikaw ay masaya. Lucky numbers at color for the day 15, 21, 27, 29 at amber.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag sayangin ang talino na biyaya ng Diyos. Maraming tukso ang darating. Ikaw ang pipili sa iyong kaga­lingan at ikaw ay magagantimpalaan. Lucky numbers at color for the day 5, 19, 45, 55 at magenta.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Lalago ang karunungan kapag ibinahagi sa karamihan. Marami ang mapapakinabangan, ito ang susi ng iyong yaman. Lucky numbers at color for the day 9, 11, 22, 27 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Patuloy ang iyong tagumpay ganun din ang pagpa­patuloy ng mga naiinggit sa iyo. Kahit ganito ang iyong karanasan ngayon, magtatagumpay ka naman ang iyong adhikain. Lucky numbers at color for the day 25, 29, 35, 51 at bottle green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Naaaliw ang iyong boss sa iyo. Cooperative ang mga katrabaho at masaya ang araw mo. Lucky numbers at color for the day 5, 11, 21, 31 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang iyong investment sa negosyo ay lalago ngunit sa pag-ibig, ikaw ay bigo. Magpa-aura clean­sing para alisin ang malas sa pag-ibig at true love ang darating. Lucky numbers at color for the day 19, 45, 57, 55 at purple.

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG COLOR DAY DISYEMBRE IYONG LUCKY NUMBERS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with