Hulyo 28, 2014

Pagtitibay: Laging mabiyaya at mabunga ang anumang pagsisikap para sa kadakilaan ng Dios.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maraming opor­­tunidad ang daraan, kailangang maging matalino sa pagpili ng nababagay sa kaalaman at kakayahan. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 34, 40 at orange.  

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Nang dahil sa kapabayaan ang matagal nang suliranin ng pamilya ay lalong lumala subalit may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Posibleng manumbalik ang harmoniya sa tahanan kung tututukan ang solusyon. Aksiyunan para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 23, 32 at neon green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang oportunidad ay kusang kakatok at dapat maging ma­agap para hindi makakawala. Panatilihing bukas ang opinyon. Maghanda kung anuman ang darating at kung inaakalang ikakabuti o ikakaunlad, huwag pakawalan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41, at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maganda ang takbo ng career. Mananatiling sapat ang pangangailangan. May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon ngunit huwag mabahala, sa huli ikaw ang magwawagi. May panahon na maipakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – May posibilidad na mapili ka sa bakanteng puwesto sa pinapasukan o sa inaaplayan. Tiyakin ang kakayahan ng sarili bago mangako. Pag-aralan muna ang mga detalye bago pumalaot. Iwasan ang sumugod na hindi tiyak ang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 21, 30 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May mahalagang gawain na ipagkakatiwala pero kung hindi nakakasiguro sa kakayahan iwasan ang maging mapangahas. Walang masama kung magsasabi ng tapat at totoo. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Suriin at pag-aralang mabuti ang bawat detalye bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 39 at white.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magpapatuloy sa pagganda ang impresyon ng nakakataas sa trabaho dahil sa husay at kasipagan. May gantimpalang naghihintay sa nagawang kabutihan. Ang pagkalayo sa minamahal ay hindi dapat damdamin dahil ito ay pagsubok lamang ng katapatan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 24, 31 at lilac.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Matatag ang career o kasalukuyang trabaho. Iwasan ang magmaramot upang hindi pagtampuhan ng magandang kapalaran. Lutasin ang anumang problema sa karelasyon bago lumala. Disiplina sa sarili ang kailangan para sa magandang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 26, 30, 42 at peach.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Palampasin ang maririnig na salitang makakapikon, mula sa mga kasamahan dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang anumang mga salitang masakit sa tainga upang makaiwas sa gulo o makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o malas at isang Gemini ang magbibigay ng problema o kaligayahan. Hangga’t maaari, iwasan pansamantala ang mga kilalang Leo dahil magkakaroon ng alitan na ha­hantong sa matagalang hindi pagkakabati. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 13, 31 at red.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Kung ga­­ga­mitin ang likas na talent, siguradong  ma­aabot ang tagumpay. Kung gumawa ng kabutihan, tatamasain rin ang mabuti pero kung gumawa ng kasamaan, ito rin ang daranasin. Panahon na upang maibsan ang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at buong pusong panalangin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 31, 39, 42 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May magtatangkang sukatin ang iyong pagtitimpi. Maging mahinahon at gamitin ang talino. Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkaalintanang darating. Ang transaksyon ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Kung magpapaluwal ng tseke, tiyaking sapat ang pondo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 26, 34 at green.

Show comments